2,736

By

Bebot hinalay, pinatay sa Zambales

Isang babae ang biktima ng panghahalay at pagpatay matapos itong matagpuan sa isang liblib na lugar sa Palauig, Zambales noong Miyerkules.

Base sa report ng Zambales Provincial Police Office, ang biktima ay natagpuang dakong alas-2:00 ng madaling araw, Pebrero 12, sa isang kubo na wala nang damit pang-ibaba at may malaking sugat sa ulo nito, kinilala ang biktima na si Mary Grace Ebalobo; 28, residente ng Purok Maligaya, Barangay Buhawen, Palauig.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon at manhunt operation ang kapulisan sa bayan ng Palauig at mabilis na naaresto kinahapunan ang dalawang lalake na huling namataang kasama umano ng biktima.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Adrian Manglicmot, 23, binata, walang trabaho at Rey Apostol, 24, binata, construction worker at parehong residente ng Barangay Buhawen sa bayan ding ito.

Nakakulong na ang dalawa sa Palauig Police station at nakatakda nang sampahan ng kasong rape at pagpatay kay Ebalobo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?