34
pamamaril
By

Bebot damay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Isang machine operator ang patay matapos na walang habas na pagbabarilin ng dalawang mga kalalakihang lulang magkaangkas ng iisang motorsiklo kung saan ay isang babaeng estudyante naman ang suagatan matapos na tamaan ng ligaw na bala sa Lungsod ng Valenzuela noong Martes.

Sa ulat ni Valenzuela City Police Chief S/Supt. David Nicolas Poklay ay ganap umanong alas-7:00 pasado nang gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C.F. Natividad Street, Barangay Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong lulan ng isang itim na Yamaha Mio na motorsiklo ang biktimang si Rowel Roque, 42 anyos ng parehong lugar pauwi sa kanilang bahay nang buntutan siya ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo at over-take-an ito saka harangin ang kanyang daanan sabay pinaulanan siya ng sunod -sunod sa kanyang dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Sakto namang papadaan noon ang estudyanteng si Alysha Cadenas, 18-anyos ng nasabi ring lugar na tinamaan ng ligaw na bala sa kanyang kaliwang siko, matapos ang insidente ay agad ding isinugod sa Valenzuela City Medical Center ang mga biktima ngunit hindi na pinalad pang mabuhay si Roque habang nasa stable na kundisyon na rin naman si Cadenas.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Valenzuela City Police Community Precinct VIII na agad na nagsagawa ng follow-up operation ngunit bigong mahuli pa ang mga salarin.

Narecover naman ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ang nasa tatlong empty shell mula sa hindi pa nalalamang kalibre ng baril na isusumite sa PNP Crime Laboratory upang sumailalim sa ballistic examination, sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?