13

By

Beal bongga sa Wizards, inapula si Wade at Heat

Tuloy ang pagbalikat ni Bradley Beal sa Washington habang wala ang backcourt mate na si John Wall, may iniinda pang knee surgery.

Umiskor si Beal ng 30 points sa 12 of 16 shooting para buhatin ang Wizards sa 117-113 overtime win laban kay Dwyane Wade at Miami Heat Martes ng gabi.

Nakaka-17 laro nang mag-isang pinapasan ni Beal ang team sapul nang mawala si Wall noong Jan. 27. Siya na ang tumatayong lider.

“This Bradley Beal right here is the Bradley Beal that, from afar, that you always thought he was going to be,” puna ni Wade sa katapat.

Tumapos si Wade ng 22 points.

Isa lang sa pitong pukol sa labas ng arc ang naisablay ni Beal, at ikinasa ng Washington ang best 3-point shooting performance ng season sa 14 for 23 stat mula long range.

Kumapit ang Wizards sa fifth place ng Eastern Conference, kalahating laro sa likod ng Indiana at isang laro sa unahan ng Philadelphia.

Laglag sa eighth ang Miami, kalahating laro sa likod ng Milwaukee.

May 19 points si Tomas Satoransky sa Wizards, nagdagdag ng 16 points at 13 rebounds si Markieff Morris na nagbaon ng 3 para ilayo ang team 113-109 may 66 seconds pa sa OT.

Nanindak pa sa 114-113 ang Miami mula sa tatlong free throws ni Wade na na-foul ni Kelly Oubre habang patira ng 3.

Split sa charities si Satoransky, nakawala si Wade pero kabyos ang floater at mintis din ang follow up ni Kelly Olynic bago sinelyuhan ng dalawang freeibes ni Oubre ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?