2,069

By

Bea nagluksa sa pagpanaw ni Mico

Nag-post ng prayer tungkol sa pagdadalamhati si Bea Alonzo matapos mamatay si Mico Palanca.

Si Mico ay ex-boyfriend ni Bea. Naghiwalay sila noong 2008.

“I just want to keep still and quiet for a moment and let the universe unfold its mystery. My prayers go out to the ones grieving and going through tough times. Love and light. Blessed are those who mourn, for they will be comforted, Matthew 5:4,” saad ni Bea sa IG post.

Matatandaang kinumpirma ng pamilya ni Mico na namatay ito sa edad na 41 pero hindi naglabas ng detalye tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?