122

Feb 16, 2020 @ 16:25
By

Bea, Lloydie gumimik kasama si Baron

Pagkatapos ng special presentation nina John Lloyd at Bea Alonzo kamakailan para sa Valentine’s, may pahabol pa sila ulit na date kasama naman ang mabuting kaibigan din sa showbiz na si Baron Geisler.

Reunited ang tatlo at naibalik nga sa mga fan ang alaala ng kanilang pelikulang pinagbidahan noong 2003 na “It Might Be You”.

“Love you guys sobra! Salamat! sorry basha he’s mine!” caption pa ni Baron sa litratong magkakasama silang tatlo.

Mukhang nag-usap usap pa nga sila sa kulay ng susuotin dahil pare-parehas pa silang naka-itim. Makikita rin na super sweet nina Lloydie at Baron na nagyayakapan, habang si Bea naman ay parang natatawa lang sa paghaharutan ng dalawa.

Maski si Jamie naman na asawa ni Baron ay kinilig sa muling pagsasama-sama nina Baron, Lloydie at Bea. “Sweet!” comment pa ni Jamie.

Mukhang sagana sina Popoy at Basha na mag-date, ha! Sunod sunod ang mga araw na nakikita silang magkasama, kaya naman ang mga fan ay super happy at umaasa na sana’y bumuo sila ulit ng pelikula dahil nasasabik na talaga ang mga fan sa kanila.

Anyway, napansin din ng mga fan na kung dati ay baby face si Lloydie, ngayon daw ay halos magka-level na ng look si Lloydie at Baron na may pagka-bad boy dahil parehas silang mahaba ang buhok.

Gayunpaman, mas crush pa rin daw ng mga fan si Lloydie dahil “John Lloyd will always be John Lloyd,” sabi ng mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?