190

By

Bea Alonzo damay sa UST vs. ADMU

Sinama na rin si Bea Alonzo ng mga netizen sa mga pakulo tungkol sa paparating na laban ng University of Santo Tomas (UST) at Ateneo De Manila University sa finals game ng UAAP Season 82.


Tanong ng isang netizen, Thomasian “Basha” o Atenean “Bobbie”?

Dalawa ito sa mga naging hit role ni Bea sa romance film series na “One More Chance” at rom-com na “Four Sisters and a Wedding,” respectively.

Mistulang character sa isang game si Bea, kung saan kinumpira ng netizen ang lakas at kahinaan ni Bobbie kay Basha.

Malalaman kung sino kina “Bobbie” at “Basha” ang magwawagi, sa laban ng UST at Ateneo ngayong Sabado, November 16, sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?