390

By

BCDA Pres. Dizon ‘di biyenan ang P50M kaldero designer, Drilon nag-sorry

Humingi ng tawad si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Bases Conversion and Development Authority President Vince Dizon dahil sa maling impormasyon na nasabi ng senador.

Ito’y matapos na ilahad ni Drilon sa panayam sa ‘Headstart’ ng ANC na biyenan niya umano ang designer ng stadium cauldron na nagkakahalaga ng P50-million para sa 2019 Southeast Asian Games.

Ang designer na tinutukoy ni Drilon ay ang yumaong Filipino national artist na si Francisco ‘Bobby’ Mañosa.

“I would like to correct my statement in Headstart this morning about the relationship of the architect who built the SEA Games cauldron, the late Architect Bobby Mañosa, and BCDA Pres. Vince Dizon,” saad ni Drilon sa isang statement.

“They are not related. I was wrong in my information. I apologize to Dizon,” aniya pa.

Matatandaan na naging kritikal si Drilon sa cauldron dahil kaya na magpagawa ng nasa 50 classroom sa binayad para sa nasabing istruktura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?