24

By

BBi Spalding 3×3 hahagupit

Magandang pagkakataon sa mga pausbong na basketball athlete ang paparating na kauna-unahang BBi Spalding 3×3 na gaganapin sa Ateneo High School court sa Mayo 16, Huwebes.

Bukas ang torneo para sa mga ipinanganak mula 2004 pataas, nahahati sa apat na kategorya sa boys division (Under-10, Under-12, Under-14 at Under-10), habang dalawa naman sa girls/womens division (U18 at U25).

Para sa mga nais sumali, hanggang Martes na lang tatanggap ng joining fee na P4,000 na pwedeng ipadala sa BPI account na Breakdown Basketball Inc sa account number na 3071-0717-06.

Makakatanggap ang champion team mula sa bawat grupo ng apat na Alcatel tablet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?