64

Mar 11, 2020 @ 17:05
By

Bayad sa COVID-19 testing, sasagutin ng PhilHealth – Nograles

Hindi na kailangan pang intindihin ang gagastusin ng mga Pinoy para malaman kung mayroong coronavirus.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sasaluhin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bayad para sa testing ng coronavirus.

Bukod pa dito, PhilHealth na rin ang aako sa mga magagasta sa quarantine at isolation ng mga magpopositibo sa COVID-19.

“Given this, the last thing we want is for our citizens to worry about medical costs and expenses. Their only concern should be their well-being and the well-being of their families,” ayon kay Nograles.

Isinasapinal na umano ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales ang pagsagawa ng nasabing benefit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?