105

May 21, 2020 @ 14:56
By

‘Bawal Lumabas’ ni Kim Chiu, naka-1M views agad

Sa loob lang ng isang araw matapos mailabas sa YouTube, isang milyong views agad ang nahakot ng “Bawal Lumabas: The Classroom Song” ni Kim Chiu.

Ang latest single ni Kim Chiu, na collaboration niya sa music producer na si DJ Squammy Beats at songwriter Adrian Crisanto, ay ang pagsakay ng aktres sa pangba-bash na ginawa sa kanya ng mga netizen dahil sa ‘bawal lumabas’ statement niya.

Matatandaan na nag-trending si Kim nang maguluhan sa statement niya ang mga netizen kung saan inihalintulad niya ang sitwasyon ng prangkisa ng ABS-CBN sa batas sa classroom.

Sa kasalukuyan ay may 1.5M views na ang “Bawal Lumabas: The Classroom Song” sa YT na ini-release ng ABS-CBN Star Music habang sa vlog ni Kim kung saan unang narinig ang “Bawal Lumabas” ay mayroon nang two million views.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?