85

By

Bawal kunin ang jersey number ko – Wade kay Butler

Hindi ibibigay ni Miami Heat legend Dwyane Wade ang numerong “3” kay Jimmy Butler.

Ayon sa Instagram post ni Wade, kahit locker niya ay bawal ding gamitin ni Butler.

“Jimmy “no middle name” Butler Welcome to Miami! No you can’t wear number 3 & No you can’t have my locker.”

Hindi pa nagagamit ni Butler ang tres sa mga koponang pinaglaruan niya sa NBA, samantalang ginamit naman ni Wade ang numero sa kanyang stint sa Heat, Cleveland at Chicago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?