461

By

Bawal epal! Kobe exhibit ni Cayetano kinainisan

Nairita ang mga Pinoy fan ni Kobe Bryant matapos ilantad ngayong Miyerkoles ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang exhibit sa Batasang Pambansa, Quezon City para sa pumanaw na NBA legend.

Sabi nila, pati ba naman sa pagpanaw ni Kobe, “nakikisawsaw” ang maka-Duterte na mambabatas.

24 items ang naka-display sa tribute, lahat mula sa personal collection ni Cayetano na isang aminadong fan ng Los Angeles Lakers.

Naroon ang Nike shoe na binato ng Black Mamba sa madla nang bumisita ito sa Manila, at ang Nike Zoom VI Camo shoes na may pirma ni Kobe.

Nabanas ang mga netizen at binatikos ang mambabatas sa Kobe exhibit.

Dagdag pa nila, hindi pa nila nalilimot ang P55-milyong stadium cauldron para sa 30th SEA Games ng noo’y Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Chairperson.

Linggo ng umaga sa Amerika, Enero 26, nag-crash ang helicopter sa bulubunduking bahagi ng Calabasas, California na ikinasawi ni Bryant, anak na si Gigi at pitong iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?