110

By

Bato sa mga basher ng drug war: Huwag n’yong lokohin ang taumbayan

Pinagsabihan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mga kritiko ng war on drugs na tigilan na ang panloloko sa mga Pilipino sa pagsasabing failure ang kampanya kontra droga.

Ipinunto niyang batay sa survey ng Social Weather Stations sa second quarter ng 2019, 82 porsiyento ng mga Pilipino ang satisfied sa war on drugs.

“Let us stop fooling the people. ‘Yung iba gustong lokohin ang tao [na] failure daw ang war on drugs. Anong standard ninyo ng failure?” saad niya sa naging program ng Dangerous Drugs Board para sa “Drug Abuse Prevention and Control Week 2019” sa Quezon City noong Lunes.

“Bakit 82 percent ang approval rating ng mga tao? So huwag nating lokohin ang taumbayan. Let us give them the real numbers,” dagdag pa ng dating hepe ng Philippine National Police na unang namuno sa drug war.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?