28

Jun 30, 2020 @ 21:36
By

Bato magrereperi sa AFP at PNP

Mamamagitan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) matapos mapatay ng Sulu police ang apat na sundalo.

“For now both sides have their own version of the story. I will talk to them being my mistah,” saad ni Dela Rosa sa ABS-CBN News.

“I sympathize with them but I am holding my reaction until a thorough investigation has been completed,” dagdag niya.

Dapat daw na magsilbing pamatay-apoy ang mga ground commander ng AFP at PNP para maiwasang lumala pa ang tensiyon habang gumugulong ang imbestigasyon.

Ayon sa AFP, tinutugis ng mga sundalo ang mga Abu Sayyaf bomb maker.

Pero sinabi ng PNP na sakay ng SUV ang mga sundalo, walang suot na uniporme at nilagpasan ang checkpoint sa isang residential area sa bayan ng Jolo.

Sinasabi ng mga pulis na nagsimula ang engkuwentro nang tutukan ng baril ng mga sundalo ang humuhuling mga pulis.

Bahagi ng Sinagtala Class of 1986 sina Dela Rosa, AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. at PNP chief Gen. Archie Gamboa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?