2,114

Feb 19, 2020 @ 12:38
By

Bato bumwelta kay DJ Chacha: Mali bang maging loyal kay Duterte?

Sinagot ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang naging patama ni DJ Chacha na mag-resign na ito at maging bodyguard na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Bato na handang siyang samahan ang Pangulo hanggang kamatayan dahil naniniwala umano siya sa pinaglalaban ni Duterte.

Tugon ni Bato, wala siyang nakikitang mali sa pagiging loyal sa isang Pangulo na kaya umanong kalabanin ang mga malalakas na tao sa bansa.

“Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long ?” ayon kay Bato sa report ng Inquirer, at hihintayin niya umano ang sagot ni DJ Chacha.

Nitong Tuesday ay sinabi ni DJ Chacha, Czarina Balba sa tunay na buhay, na tila mas mahal pa ng senador si Duterte kaysa sa asawa nito dahil handa siyang mamatay para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?