220

By

Bato aalalayan ni Ping sa Senado

Handa umano ang beteranong senador na si Panfilo Lacson na gabayan sa Senado si senatorial bet Ronald “Bato” Dela Rosa sakaling mailuklok na itong mambabatas.

Ito ang reaksyon ni Lacson matapos aminin ni Dela Rosa na kailangan niya ng training kung paanong gumawa ng batas.

“Mayroon bang seminar diyan o ano bang training diyan para matutunan ko ‘yung paano gawin ‘yung batas? Ano ba ang mga trabaho namin diyan sa Senado? Kung mayroong ganun, I will take that opportunity para matuto ako,” ani Bato sa panayam sa CNN.

Dagdag pa ni Lacson, lahat naman ng neophytes na makakapasok sa tinatawag na “Magic 12” ay iti-train sa paggawa ng batas.

“Bato need not worry. He will undergo another period of plebehood under my supervision since we are both in the majority bloc,” saad ni Lacson.

Samantala, as of 5:01 PM nitong Mayo 15, 2019, nananatiling panlima si Dela Rosa sa senatorial race sa botong 18,483,330, batay sa partial at unofficial results ng Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?