51
Batista hinamon si Triple H sa WWE
By

Batista hinamon si Triple H sa WWE

Inatake ni Batista si Ric Flair para makuha nito ang atensiyon ni Triple H sa pagbabalik niya sa WWE, Lunes ng gabi.

Highlights ng WWE Monday Night RAW ang 70th birthday celebration ni Flair pero walang paki rito si Batista.

Tinawag ni Stephanie McMahon si Flair sa ring, pero hindi lumabas ang 16-time champion.

Nakita na lang ng mga fan sa arena na hinahatak ni Batista ang cameraman patungo sa locker room ni Flair.

Lumabas ng locker room si Batista hawak na si Flair bago humarap sa camera at hinamon si Triple H.

Nagtungo sa backstage si Triple H pero hindi na nito inabutan si Batista.

Posible kayang magkaroon ng Batista-Triple H match dahil dito?

Huling umapir sa WWE si Batista o Dave Bautista sa tunay na pangalan, noong October 2018 sa SmackDown 1000 episode.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?