46

May 19, 2020 @ 17:20
By

Bati na? Snow Badua binati si Greg Slaughter

Ngayong May 19 ang ika-32 kaarawan ng ex-Ginebra slot man na si Greg Slaughter.

At sa kanyang espesyal na araw ay isang dating kahuntahan ang nagparamdam sa manlalaro na lumisan sa PBA.

Sa tweet ni sports insider Snow Badua, kanyang binati si Slaughter, kahit pa matatandaang grabe ang naging sagutan ng dalawa sa Twitter.

“Batiin ko ba? HAPPY BIRTHDAY idol @GWillSlaughter more years of playing to come,” sey ni Badua.

Dating nag-asaran ang dalawa matapos na imungkahi ni Badua na i-trade na ng Ginebra si Slaughter para sa ngayong SMB center na si Mo Tautuaa dahil mas bagay daw ito sa never say die team.

Hindi naman natinag si Slaughter at bumalikwas din ng pang-aasar kay Snow, sinabing wala umanong alam ang journalist sa sistema ng Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?