169

By

Bati na kami ni Pichay – Mike Defensor

 

Wala na umanong samaan ng loob sina dating Congressman Mike Defensor at District representative Prospero Pichay.

Sa isang exclusive interview ng Abante kay Defensor nilinaw nito na matagal nang tapos ang naturang isyu.

Parehong kumandidato sa pagka-senador sina Defensor at Pichay sa ilalim ng Team Unity (TU) noong 2007. Naging usap-usapan ang tampuhan ng dalawa matapos mag-concede si Defensor.

Ang resulta ng eleksyon sa pinakahuling bilang ay 8-2-2 pabor sa Genuine Opposition (GO) sa pinakahuling bilang ng Commission on Elections, sina Edgardo Angara at Joker Arroyo ang tanging kandidato ng TU na nakapasok sa top 10. Samantala top 15 si Defensor at 16 naman si Pichay.

Nagpaubaya si Defensor upang mapawi ang tensyon at anumang paniniwala na maaaring may mga labag sa batas na nakatuon upang siya ay manalo, matapos na mag-isyu ng manifesto ng GO na nagsasabing may nangyayaring malawakang pandaraya at nagbabala ang mga ito sa administrasyong Arroyo na magkakaroon ng krisis politikal kung ang resulta ng halalan ay mapapawalang bisa.

“Linawin ko lang ha, hindi naman tampo talaga, number 14 ata ako nun siya 15 nag-concede ho ako e gusto niya pang lumaban e mas mataas ang ranggo ko sa kaniya ayun nagtampo siya,” natatawang saad ni Defensor.

“Pero bati na po kami.” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?