26

By

Batas para sa pagtatayo ng Coast Guard hospital, nilagdaan ni Duterte

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na lilikha sa Philippine Coast Guard (PCG) General Hospital.

Magbibigay ito ng healthcare services sa mga tauhan ng Coast Guard, mga empleyado, retired uniformed personnel at kanilang dependents.

Itatayo ang ospital sa Coast Guard Base sa Taguig City.

Maliban sa healthcare services, magsasagawa rin ito ng medical examination sa lahat ng Coast Guard trainees.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?