45

Feb 25, 2020 @ 12:48
By

Batas ang sundin! Binay suportado ang ABS-CBN

Nagpakita ng suporta si dating Vice President Jejomar Binay sa ABS-CBN kasunod ng nalalapit na pagkapaso ng prangkisa ng TV network, gayundin ang hinaing quo warranto petition case laban dito.

Ayon sa nakatatandang Binay, dapat ay pairalin ang batas ukol sa nasabing isyu, na sa nangyaring pagdinig sa Senado ay nakitang walang sapat na rason para ipasara ang network.

“Supposed to be there must be a rule of law, kaya lang ang nangyayari it’s a rule by law,” ayon kay Binay kung saan pinangunahan nito ang pagsariwa sa 34th anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“‘Yung freedom of the press, basic foundation ‘yan ng demokrasya. [Ang] haba haba ng paliwanagan, pinagpipilitan nga ‘yung rule by law,” aniya pa.

“Simple lang naman ‘yun eh, ayaw na na magkaroon ng isang ABS-CBN na nagpapakita na may freedom of the press.”

Kaisa din ni Binay ang dating Senador Rene Saguisag, na nilarawan na ‘overkill’ umano ang hinaing quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN.

“Hindi naman mawawala sa atin ang panalangin na sana umiral ang tunay na batas, ang freedom of the press,” saad ni Saguisag.

“I agree na medyo overkill,” aniya pa sa quo warranto petition, na sinabing dapat ay hayaan na lang ang Kongreso na dinggin ang nasabing isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?