1,303
Ritmo makukuha rin ni Cariaso
By

Batang nag-rubber shoes ng bandage, tutulungan ni Cariaso

Napukaw ang pansin ni Titan co-founder Jeffrey Cariaso sa 11-anyos na runner na gumamit ng gasa para maging sapatos niya sa pagsali sa kompetisyon.

Hindi naging hadlang kay Rhea Bullos ng Balasan, Iloilo ang kanyang “improvised shoes” para makapag-uwi ng tatlong gintong medalya sa 400 meter, 800 meter at 1500 meter runs.

Kaya naman dumulog sa social media ang Alaska Aces head coach para mahanap si Bullos at tulungan ang bata.

“Help me connect with her please,” tweet ni Cariaso.


Isang Joshua Enriquez ang nag-reply kay Cariaso na nagsabing may kontak siya kay Rhea.


Sa update tweet ni Cariaso, nakausap na niya si Rhea at ang adviser nito.

“Thanks for the post. I was able to speak to Rhea and her adviser this morning. Thanks to those who messaged me also with her contact number,” ani Cariaso.


Matatandaang nag-viral kamakailan si Bullos matapos maantig at humanga ang mga netizen sa kanyang pagiging maabilidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?