106

By

‘Bata’ Reyes kursunadang maging coach

Hindi pa alam ng legendary pool player na si Efren “Bata” Reyes kung makakapaglaro pa ulit siya sa susunod na Southeast Asian Games.

Nitong Biyernes bigong makasungkit ng gintong medalya si “The Magician” Reyes matapos pataubin ni Vietnamese Dinh Nai Ngo, 100-14, sa men’s one-cushion carom ng billiards event sa 30th Southeast Asian Games.

Aniya dahil na rin sa edad ay pawala na ang tumbok niya at paiba-iba na ang tira niya.

“Siguro ‘yung tira ko noong araw, kaya ko siya,” sambit nito patungkol kay Dinh.

Dagdag pa niya, baka mag-coach na lang sila ni Francisco “Django” Bustamante kung sakali.

“Baka coach na lang. Baka coach na lang kami ni Pareng Django (Francisco Django Bustamante) hindi ko alam kung lalaro pa kami,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?