154

By

Bata nalapnos ang balat sa sumabog na charger

Sugatan ang isang 10-anyos na batang babae matapos magliyab ang charger ng tablet nito sa Barangay Dayawan, Villanueva, Misamis Oriental.

Ayon sa report, dahil sa pagsabog ng charger ay nasunog ang kuwarto na tinutulugan ng biktima at maging siya ay nadilaan ng apoy noong Pebrero 28 ng umaga pero mabilis naman na naapula.

Sumabog umano ang charger habang nakasaksak sa tablet.

Dahil sa insidente ay nalapnos ang iba’t ibang bahagi katawan ng ‘di pa pinangalanang biktima.

Nailipat na sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro ang biktima.

Samantala, nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na bantayan ang mga naka-charge na mga gadget at siguraduhing hindi ito peke na nagiging dahilan ng pag-overheat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?