109

By

Bata nagsuka! Lollipop binalot sa condom

Naalarma ang isang ginang nang magsususuka ang anak dahil umano sa ang nakaing candy at lollipop at nabalot ng supot ng condom sa Barangay 2 Garreta, Badoc, Ilocos Norte noong Martes.

Sa imbestigasyon ng Badoc Police Station (BPS), ayon sa ina ng biktima na si Soledad Duelos, ng nasabing barangay, lubha siyang nabahala noong makita niya ang kanyang anak ay nasususuka at noong tinignan niya ang candy at lollipop na kanyan kinakain ay balot ito sa supot na condom.

Sa report ng BPS, ayon kay Duelos na may mga nakain na ang kanyang anak nung makita niya ito at naniniwala siya na ito ang dahilan kung bakit nagsusuka ang kanyang anak dahil marami umano ang nakain ng bata.

Ayon sa kanya, nalaman nila sa nagtinda ng candy na ang mga itinitinda niyang candy at lollipop ay binili niya sa lungsod ng Vigan sa nasabing lalawigan.

Dagdag pa ng ginang na ini-report na nila ito sa Badoc Municipal Health Office at hinihintay pa lang nila ang kanilang pagsusuri sa nasabing produkto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?