1,331

By

Ba’t ka nag-adik? Kuya Jobert nasampal, sinigawan si Ryan Bang

TIla naasar si Kuya Jobert sa pangbubuska ni Ryan Bang matapos nitong ungkatin ang nakaraan ng komedyante ukol sa iligal na droga.

Sa ‘Bloopness’ part ng Youtube video ni Kuya Jobert, makikitang kasama niya sina Jayson Gainza at si Ryan.

Habang nagma-make up si Ryan ay bigla nitong tinanong kay Kuya Jobert ang tungkol sa naging nakaraan nito sa paggamit ng bawal na gamut.

“Ba’t ka nag-shabu?” tanong ni Ryan.

“Nag-shabu ako noon pero ‘di na ngayon,” tugon ni Kuya Jobert.

Hindi pa nasiyahan si Ryan, matapos mag-plug ni Jayson ng kanyang Youtube channel ay biglang binalikan naman ang madilim na nakaraan ni Kuya Jobert.

“Follow niyo po Youtube.com [slash] Kuya Jobert muntik tumalon sa Sogo dahil naadik,” sey ni Ryan.

Dito na bahagyang sinampal ni Kuya Jobert si Ryan na tila naasar sa pambubuska ng Koreano.

“Alam mo dito inaano niya ko, bahala na kayong mag-post sa channel niya. Pagpasa-Diyos na lang ‘yung mga sinasabi niya,” ayon kay Kuya Jobert habang paulit-ulit ang “God bless you” habang tinutulak ang mukha ni Ryan.

Pinuna naman ni Kuya Jobert ang pagpapa-makeup ni Ryan, kung saan bumalikwas ang Showtime host at sinabihang pangit ang Banana Sundae mainstay.

“Bakit palagi kang nagsasalita ng hindi maganda? Pakain ko sayo mga biscuit mo eh,” sey ni Kuya Jobert.

“Bakit ka nag-adik?” balik ni Ryan.

“Wala akong pake!” sigaw naman ni Kuya Jobert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?