23
PH ambassador ipinatawag ng Germany dahil sa komento ni Locsin
By

Ba’t di magpatulong sa Russia? ‘Pinas pwedeng makipaggiyera sa China – Locsin

Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na hindi dapat alising opsyon ang posibilidad ng pakikipaggiyera sa China para ipaglaban ang mga nasasakupan ng bansa, partikular ang West Philippine Sea.

Ayon sa panayam ni Locsin sa ANC, sinabi nito na dapat ay ikunsidera pa rin ang giyera sa pagitan ng China.

“I certainly don’t like the notion that war is off the table,” pakli ni Duterte.

Nang maitanong naman sa Foreign Affairs Secretary kung paano ito magagawa gayong mas malakas ang puwersa ng China ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ito ang kanyang tugon: “You see that is the problem, that is how Duterte looks, we will get hurt and we cannot hurt back and it’s true, that is how you look at it.”

“But my position is and I said this in (former President) Noynoy’s (Aquino) time: why don’t we put everybody who is hot on this claim ride on a boat and go straight to the Chinese lines with President Noynoy at the helm and I was willing to join a cook. Let us see if they will blow us up n the water.”

Pinuri naman ni Locsin ang ginawa ng Vietnam sa China noong 2014 kung saan napaatras ng una ang state-owned China National Offshore Oil Corp. sa pinag-aagawang Paracel Islands sa South China Sea.

“The Vietnamese came in with the Russians. Smart. I don’t know why we don’t do it with the Russians. China tried to pushed out them (Vietnam) out and they are still pushing back but that is because they have Russia,” paliwanag ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?