249

By

Basura ng South Korea, itatapon pabalik

Inimbestigahan na rin ng gobyerno ng South Korea ang pagpapadala ng tone-toneladang basura sa Pilipinas.

Sa pahayag ng South Korea Embassy, tiniyak nito na kumikilos na sila para maibalik sa kanilang bansa ang mga nadiskubre nilang basura sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental.

Nabatid na nagtutulong-tulong na ang Ministry of Environment, Korea Customs Service at Ministry of Foreign Affairs, para alamin ang puno’t dulo ng kontrobersya.

Ibinahagi ng embahada na noong Nobyembre 16 natunton na nila ang nagpadala ng mga basura sa Pyeongtaek City.

Idineklara ng exporter na synthetic wastes ang mga basura noong nakaraang Enero at hindi dumaan ang mga ito sa ‘recycling process’ at pineke din ang mga dokumento.

“Korean authorities will have the wastes in question be repatriated and properly disposed of and work to prevent recurrence of the problem,” ayon pa sa embahada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?