77

By

Basura mula sa HK, agad ibabalik ng BOC

Hindi patatagalin ng gobyerno ng mga basurang itinapon ng Hong Kong sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ibabalik ng Bureau of Customs (BOC) sa Hong Kong ang mga basurang dinala sa bansa.

Ayon kay Panelo, hindi papayagan ng gobyerno na maging tambakan ng basura ng mga dayuhang bansa ang Pilipinas kaya ibibiyahe agad ang mga basurang dinala sa Misamis Oriental.

Ang mga basura ay naunang idineklarang assorted electronic accessories subalit mabilis na nabuko ito ng BOC.

“We commend the Bureau of Customs for the early detection of the entry of mixed plastic wastes which have been declared ‘assorted electronic accessories’ from Hong Kong. We understand that the BOC would export this illegal shipment back to its port of origin,” ani Panelo.

Nanawagan ang kalihim sa mga ahensya ng pamahalaan na maging alerto at huwag payagang makapasok sa bansa ang basura ng ibang mga bansa.

Maliban sa HK, kabilang sa mga bansang nagtapon ng kanilang basura sa Pilipinas ang Canada at Australia. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?