863

By

Basketbrawl! Laro ng mga HS student sa Negros, nauwi sa sapakan, balibagan

Lampas isang minuto na lang ay patapos na sana ang laro sa pagitan ng STI West Negros University at Colegio de Sta Ana de Victorias, ngunit nauwi pa ang simpleng basketball sa palitan ng suntok, na maging ang isang coach ay kitang binalibag pa ang isang manlalaro.

Sa video ng Bacolod Kicks for Sale, bandang 1:08 sa laro ay biglang nagsitakbuhan ang mga player sa kabilang dulo, ‘yun pala ay nagkakakiskisan na ang dalawang manlalaro at coach ng WNU-STI.

Humulagpas ang manlalaro ng CSA-V, habang nakahiga na sa floor ang taga-STI, nagpuntahan na sa court ang halos lahat ng manlalaro at ang iba ay nakiupak na rin.

Bukod pa rito, ang coach ng WNU-STI ay makikitang binalibag ang player ng CSA-V.

Hindi na natapos ang video at hindi batid kung tinapos pa ba ang laban, ngunit sa punto nang mangyari ang rambulan ay lamang ang CSA-V kontra WNU-STI, 81-62.

Ang laro ay semifinals match sa juniors division ng Negros Occidental Private Schools Sports Cultural Educational Association.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?