221

Dec 9, 2017 @ 17:47
By

Basketball league ni Pacman, magbubukas sa Caloocan

Nakatakda nang buksan ang grassroot Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Senador Manny Pacquiao sa bagong bukas na Caloocan Sports Complex ngayong Disyembre.

Kahapon ay naganap ang inagurasyon ng nasabing sports complex na may 3,000-seater at matatagpuan sa Bagumbong ng nasabing lungsod.

Kasama sa liga Caloocan Supremos na pambato ng lungsod, binuo ang MPBL dahil sa pagiging numero uno sa sports ni Pacquiao bago siya sumabak sa boxing at pagnanais na maka-develop ng mga bagong basketball players sa mga barangay na siyang mga ilalaban sa liga.

Bukod sa MPBL ay gaganapin na rin sa Caloocan ang mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at iba pang malalaking liga.

Nagbigay naman ng suporta si Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez sa Caloocan sa pagbibigay ng grassroots sports program at sports education.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?