25

By

Basketball Hall of Famer, binati si Alapag

Kahit sa basketball scene sa America, kilala ang pangalan ng dating Gilas captain na si Jimmy Alapag.

Noong kanyang kaarawan nitong Disyembre 30, maraming nagbigay ng mensahe sa ngayo’y coach na ng Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Isang Naismith at WNBA Hall of Famer pa ang nagpaabot ng pagbati kay Alapag para sa kanyang kaarawan.

Si Sheryl Swoopes ay naging tanyag ng WNBA player noong 90’s hanggang 2000’s.

Nagwagi si Swoopes ng apat na magkakasunod na WNBA champioship para sa Houston Comets, at ginawaran din bilang MVP ng tatlong beses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?