53

By

Baron, Macandili sumungkit ng parangal sa ASEAN Grand Prix

Kahit pa bigong masungkit ng Pilipinas ang silver medal sa second leg ng ASEAN Grand Prix, dalawang Pinay pa rin ang pinalakpakan dahil sa kanilang naging performance sa regional meet.

Nakuha ni Dawn Macandili ang Best Libero distinction, habang muli namang nasungkit ni Majoy Baron ang Best Middle Blocker award sa pagtatapos ng torneo nitong Linggo, sa Sta. Rosa Multi-purpose Gym.

Nag-average ng 6.7 points si Baron sa kanyang stint sa PH team, pitong kill blocks ang nilista sa tatlong laro, mas mababa sa 15 kill blocks noon sa 1st leg.

Kasama ng dalawa sa mga nagawaran ng award ay sina MVP Pleumjit Thinkaow, Best Spiker Pimpichaya Kokram ng Thailand, Best Setter Tri Retno Mutiara at Best Server Ratri Wulandari ng Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?