1,006

By

Baron Geisler, nagkuwento tungkol sa nalalapit na kasal

Binahagi ni Baron Geisler ang ginagawa niyang paghahanda sa nalalapit na kasal nila ng kanyang girlfriend na si Jamie Evangelista.

Kuwento ni Baron sa ABS-CBN report, isang simpleng kasal na dadaluhan ng kani-kanilang pamilya at kaanak ang magaganap sa susunod na taon.

Isinakripisyo rin umano niya ang pagbili ng kotse para sa kanilang baby at para sa isang simpleng kasalan.

“Gusto daw muna niya magpapayat, pero sabi ko nga, ‘Love, masaya na ako sa katawan mo, kaya nga ako na in love sa ‘yo e,'” anang Ang Probinsyano actor.

Malaking blessing umano sa buhay niya si Jamie dahil alam niyang hindi siya perpekto pero tinanggap siya nito.

Kung wala umano si Jamie at ang Diyos sa buhay niya ay baka hindi niya kakayanin na magbago.

Nakilala ni Baron si Jamie sa rehabilitation center kung saan siya nagpagamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?