29

Apr 5, 2020 @ 14:37
By

Barbra Streisand binida ang pagtugon ng Taiwan sa COVID-19

Enero 23 pa unang nagkaroon ng COVID-19 case sa Taiwan, ngunit ngayong Abril 5, nasa 355 pa lang ang kabuuang bilang ng mga nahawa sa virus doon.

Sa nasabing bilang, 50 ang gumaling habang lima pa lang ang patay.

Ito, kahit 100 milya lang ang layo ng Taiwan sa mainland China.

Kaya naman na-shoutout ito maging ni American singer Barbra Streisand, na nagbahagi ng episode ng “Democracy Now!” tungkol sa mga hakbang ng Taiwan para malabanan ang COVID-19.


Nag-concentrate ang Taiwan sa pagbubukod ng mga tao na meron o hinihinalang merong COVID-19, paghihigpit sa international travel at masugid na paghahanap sa mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive.

Pinagsama rin ng Taiwan ang recent international travel history ng mga mamamayan nito sa kanilang digital health-insurance files at hinayaang ma-access ng mga doktor at pharmacist ang naturang impormasyon. Nagpatay din sila ng buwis sa mga lalabag sa quarantine.

Enero 30 nakumpirma ang unang COVID-19 case sa Pilipinas. Nitong Abril 4, 3,094 na ang tinamaan, 144 ang pumanaw, at 57 ang gumaling sa bansa dahil sa naturang virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?