250
Barbie, Jak walang gagawing ‘kalaswaan’ ngayong V-day
Feb 13, 2019 @ 21:21
By

Barbie, Jak walang gagawing ‘kalaswaan’ ngayong V-day

Matagal din sa ABS-CBN si Paul Salas at doon na nga siya nagbinata, at ngayon ay balik-GMA na siya.

Bongga na nabigyan agad siya ng lead role sa GMA, sa Kara Mia.

Nakakaloka lang na sobrang ingay sa social media ang Kara Mia, at ang daming gumagaya sa itsura nina Kara at Mia. Kaya feeling ng marami, ito na ang gigiba sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Ang bongga rin ng cast ng Kara Mia na karamihan ay puro rater, ha! Tulad ni Carmina Villaroel na galing sa Kambal Karibal. Kasama pa sina John Estrada at Glydel Mercado.

At siyempre pa, sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, kasama sina Jak Roberto at Paul nga.

Speaking of Jak ay may bonggang sorpresa pala siyang inihahanda for Barbie ngayong gabi na Valentine’s day. Matagal nang magsyota sina Barbie at Jak at malaki ang tiwala ng mga magulang ni Barbie kay Jak.

Ayaw masira ni Jak ang tiwala na ‘yon sa kanya ng parents ni Barbie. Meaning, wala silang gagawing kahalayan ngayong gabi.

Going back kay Paul, wala naman problema sa kanya ang tandem nila ni Mika, dahil matagal na raw silang magkaibigan. Bata pa lang ay close na sila.

Oh siya, abangan natin ang bugbugan ng Kara Mia at Ang Probinsyano sa Feb. 18, ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?