59

By

Barangay, SK elections inilipat sa Disyembre 2022

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang batas na nagpo-postpone sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 2020.

Orihinal na itinakda ang barangay at SK polls sa Mayo 2020 pero inilipat sa Disyembre 5, 2022.

Matapos lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11462, magkakaroon ng dalawang eleksyon sa 2022 – ang presidential election sa Mayo at barangay at SK polls sa Disyembre.

Matapos ang 2022, isasagawa ang barangay at SK polls kada tatlong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?