18

By

Barangay Futsal, inilunsad ng PSC

Inilunsad noong Sabado, Mayo 11 ang Barangay 76-A Summer Futsal Clinic sa S.I.R. Phase 1 Gym, Matina, Davao City kung saan 200 na bata ang lumahok.

Para kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey na nanguna sa opening ng programa, masaya ang mga ito na may pagkakataon na ang mga bata na makisali sa sports program sa pamamagitan ng barangay-based clinics.

“Mandato ni President Duterte nga matagaan og oportunidad sa sports ang mga barangays pinaagi sa clinic og tournaments. Pasayloa mi nga dugay mi nakaanhi sa inyong lugar dapat sauna pa (It is the mandate of President Rodrigo R. Duterte to provide opportunities and bring sports to the barangays through clinics and tournament. Forgive us to have only come now),” ayon kay Maxey.

Ilan sa mga kalahok ay mula sa S.I.R. 1 at 2, Kabacan, Times Beach, Bucana at Isla Verde na pinangunahan rin ni PSC coordinator at Davao Aguilas Football Club (FC) coach Melchor P. Anzures.

Kasama rin sa programa ang Davao South Regional Football Association, Football for Humanity and Maharlika Sports Foundation, Inc. at Barangay 76-A officials sa pamumuno ni barangay captain Rolando Trajera.

Pagkatapos ng clinic, ibinahagi rin ni Azures na magkakaroon ng isang two-day tournament sa Mayo 22-23 at juggling at accuracy competition sa Mayo 24.

Inaasahan naman na pangungunahan ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez bilang keynote speaker ang awarding at closing ceremonies sa Mayo 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?