113

By

Barangay chairman napuruhan sa ambush

Sugatan ang isang barangay chaiman matapos tambangan ng mga hindi nakilalang salarin ang sasakyan nito sa Santa Rosa City, Laguna, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Godofredo Dela Rosa, chairman ng Barangay Dita.

Ayon sa Sta. Rosa City police, nangyari ang pananambang alas-9:10 ng umaga habang ang kapitan ay sakay ng kanyang kotseng Honda City.

Papasok ito sa Mariquita Pueblo Subdivision sa Barangay Dita nang mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang dalawang gunman na parehong nakasuot ng itim na damit at parehong nakasumbrero.

Magkasabay na pinaulanan ng mga ito ng bala ang sasakyan at saka mabilis na tumakas sa crime scene.

Nagtamo ang chairman ng mga tama sa dibdib, braso at sa tuhod.

Sinugod ito sa Saint James Hospital subalit nilipat din sa isang ospital sa Biñan City.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng kalibre .45 na baril.

Patuloy pa ang imbetigasyon ng Sta. Rosa City police sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?