33

May 17, 2020 @ 20:49
By

Barangay captain sa Cebu, hinahunting sa tupada

Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang isang barangay captain sa Balamban, Cebu matapos na makatakas sa raid sa tupada.

Ayon sa pulisya, nakatakas si Barangay Lamesa Chairman Wilfredo Alvarado, na tila nakatunog sa pagdating ng mga pulis.

Sa nasabing raid, nakaaresto ang Balamban Police ng limang tao.

Narekober sa tupada ang dalawang panabong na manok, dalawang motorsiklo, dalawang tari, at P3,420.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?