97

By

Banyagang vlogger namakyaw ng bigas para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Isang Syrian na vlogger na naninirahan na nang limang taon sa Pilipinas ang ginawa ang kanyang makakaya para makatulong sa mga naapektuhan ng malalakas na paglindol sa Mindanao.

Sa Facebook post ni ‘The Hungry Syrian Wanderer’, siya’y bumiyahe pa patungong Floridablanca, Pampanga para makabili ng bigas mula mismo sa local farmer.

Ang nakuhang sako-sako ng bigas ay kanya namang ibibigay sa mga nilinodl sa Mindanao, habang natulungan din ang magsasaka, na ngayon ay lubhang naapektuhan ang mga rice farmer dahil sa Rice Tariffication Law.

“I posted about finding bigas to donate sa Mindanao and I want to buy direct sa farmer to help them as well. I drove North for 3 hrs and ended up in Floridablanca Pampanga. Met 71 years old farmer!! 😥😱 Pinakyaw ko na ang lahat ng panindang bigas ni Tatay. Mga tunay na BAYANI! Kung wala sila, wala tayong pagkain sa mesa. Saludo po ako sa mga local farmers,” ayon sa post ng Syrian vlogger.

Ngunit hindi lang ito ang ginawa ng vlogger, bumili rin ito ng nasa 1,000 kumot at tent para maibigay din sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?