20
Banyagang mentor ng TNT, nakalista bilang coach ng Gilas
By

Banyagang mentor ng TNT, nakalista bilang coach ng Gilas

Wala pang anunsyo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) tungkol sa magiging susunod na Gilas Pilipinas coach, ngunit tila batid na ng Fiba ang mga pangalan ng susunod na magtitimon sa Philippine national team.

Sa official website ng Fiba, nakalista ang TNT KaTropa active consultant na si Mark Dickel bilang coach ng PH Nationals.

Ito’y para sa first window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers kung saan haharapin ng Pilipinas ang mga koponan mula sa Thailand at Indonesia.

Makakasama ni Dickel ang Ateneo assistant coach na si Sandy Arespacochaga at ang Serbian tactician na nagsilbi para sa Iran na si Nenad Trunic.

Dati nang sinaad ni SBP President Al Panlilio na sa Pebrero pa nakatakdang magpangalan ng full-time coach ng Gilas para sa Fiba World Cup 2023.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?