277

By

Bantag hindi mag-aahit ng balbas hangga’t may korapsyon sa NBP

Inamin din ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag na may banta na rin sa kanyang buhay base sa natanggap nilang intelligence report.

Sa kabila nito, hindi umano siya nababahala at gagawin pa rin niya ang sinimulan niyang trabaho at tatapusin ang korapsyon sa loob ng New Bilibid Prison.

Iginiit pa ni Bantag na hindi siya mag-aahit ng kanyang balbas hangga’t hindi natatapos ang problema sa loob ng Bilibid.

“Mananatili pa rin ang balbas ko dito sa mukha ko, hindi ko ito tatanggalin hangga’t hindi tapos ang paglilinis dito sa loob ng Bilibid,” ani Bantag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?