77

By

Bangkok pinakadinayong lungsod sa buong mundo! – survey

Naungusan na ng Bangkok, Thailand ang Paris at London bilang pinakabinisitang lungsod sa buong mundo noong 2018, ayon sa nilabas na pag-aaral ng MasterCard Inc.

Pang-apat na sunod na taon na ng Bangkok na mahirang bilang “most-visited city,” na nagtala ng 22.8 milyong turista.

Sinundan naman ito ng Paris at London na parehong may 19.1 milyong turista, at Dubai na pumang-apat sa 15.9 milyong bisita.

Ilan pang pinakapatok na lungsod ang Singapore, Kuala Lumpur, New York, Istanbul, Tokyo, at Antalya, Turkey.

Natuwa naman ang industriya ng Thailand sa balita, dahil kamakailan lang nag-alala ito sa 1.03% na pagbaba ng dami ng mga turista.

Nasa 12 percent ang sakop ng turismo ng Thailand sa ekonomiya ng nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?