1,374
Bangko sa PBA, sumasahod ng...
By ,

Bangko sa PBA, sumasahod ng…

Magkano ba ang pinakamababang sahod ng isang professional basketball player sa PBA?

Ayon sa umiiral na Uniform Player’s Contract (UPC) ang kahit na sinong manlalaro na naging bahagi ng active roster ay may karapatang tumanggap ng regular minimum salary na P70,000 habang ang practice player naman ay hindi bababa sa P30,000 kada buwan.

Sa oras na naging bahagi ng roster o umupo sa bench ang isang manlalaro, magamit man siya o magbutas ng bangko, ay promoted na ito at dapat tumanggap ng P70,000 salary.

Paliwanag ng longtime player agent na si Danny Espiritu, kapag ang isang practice player ay na-activate at naupo sa bench ay dapat na itong tumanggap ng regular na sahod gaya ng iba.

Pero paano kung mula sa pagiging bench player at bumalik ka sa pagiging practice player?

Halimbawa si James Forrester na naging bahagi ng active roster ng TNT Katropa sa kasalukuyang PBA Philippine Cup sa laro kontra San Miguel at Meralco pero balik reserve list muli ito sa laban ng KaTropa kontra Magnolia.

Ayon kay Espiritu, dapat makatanggap pa rin ng P70,000 kada buwan na sahod ang manlalaro dahil parte na ito ng roster kahit na nagpa-practice pa rin ito kasama ang tropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?