82

Aug 13, 2019 @ 16:52
By

Bangko ‘di basta makakapagtaas ng ATM fee – BSP

Iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang kapakanan ng mga consumer ang pangunahing iniisip nito nang inilabas ang bagong patakaran tungkol sa mga ATM fee sa kabila ng mga alinlangan na magpapataas lang ito ng babayaran sa mga bangko.

Sabi ng BSP, tinutulak ng mga regulasyon nito ang mga bangko na sumunod sa prinsipyo ng reasonable at market-based pricing pagdating sa kanilang ATM operations.

Dagdag pa nito, hindi maaaring basta-bastang magtaas lang ng ATM fee ang isang bangko dahil kakailanganin muna nilang maghain ng request sa BSP kung saan kailangan nilang ipaalam ang mga bagong presyo at ang mga cost na nakakabit dito pagdating sa mga ATM activity.

Sabi ng BSP, hindi sapat na sabihin lang ng mga bangko ito dahil kailangang suportado ito ng datos na maaaring balikan at usisain ng BSP kung kinakailangan.

Sabi ng BSP, hindi maaring magpataw ng fees ang mga bangko dala ng kanilang mga kasunduan sa isa’t isa.

Ang anumang ATM fees na sinisingil ng mga bangko ay kailangang mas mababa kaysa sa mga fees nito para sa over-the-counter transactions at kailangang sumunod sa principle ng transparency in pricing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?