40

May 21, 2020 @ 17:12
By

Bangko daw sa UST: Bobo lang? – Carmela Tunay sa basher

Apat na taon nang wala sa UST si Carmela Tunay ngunit hanggang ngayon ay binabanatan pa rin ito ng mga basher.

Sa tweet ni tunay tungkol sa COVID-19, isang netizen ang naglihis ng topic at tinawag na ‘bench player’ ang dating Golden Tigress.

“Yes. Tunay, Ano ba position mo dati sa UST? BENCHPLAYER,” patama ni @MIdshipman1204.

“Kinalaman niyan sa COVID? Bobo lang? Also, di ako bench sa UST. Pinagsasabi mo?” ganti naman ni Tunay.

Hindi pa rin natapos ang basher at kinumpara ang ngayong player ng Petron kina Sisi Rondina at Aiza Manzo.

Bumuhos naman ang suporta para kay Tunay para gibain ang basher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?