179

By

Bangka ng Chinese, Filipino nagbanggaan; 22 mangingisdang Pinoy, inabandona

Nagkatamaan ang fishing vessel ng Chinese at mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea noong Hunyo 9, dahilan para lumubog ang bangka ng mga Pinoy.

Ayon sa statement ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kanilang kinokondena ang ginawang pag-iwan ng mga Chinese sa kababayan.

Hindi umano umaandar ang bangka ng mga Pinoy dahil naka-angkla ito.

“We denounce the actions of the Chinese fishing vessel for immediately leaving the inciden scene abandoning the 22 Filipino crewmen to the mercy of the elements,” ayon sa statement.

Mabuti na lang umano ay may dumaan na Vietnamese fishing vessel kaya’t na-rescue ang mga Pinoy na mangingisda.

Nagpasalamat si Lorenzana sa mga Vietnamese, samantalang iginiit ang pagtuligsa sa Chinese na nang-iwan sa mga Pinoy.

“We call for the conduct of a formal investigation on the matter and for diplomatic steps be taken to prevent a repeat of this incident,” saad sa statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?