42

By

Bangis ng Ateneo, itutuloy ni Kouame

Mga laro Sabado/Oktubre 5:

(Mall of Asia Arena)

2:00pm – UE vs Adamson

4:00pm – Ateneo vs UST

Magpapasiklab muli sina Ange Kouame at Ateneo de Manila University (admu) Blue Eagles sa pagsisimula ng second round laban sa University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa matinding tapatan sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament alas-4 Sabado ng hapon sa SM Mall of Asia Arena.

Winalis ng reigning champions Ateneo (7-0) ang first round matapos masakerin ang karibal na UP Fighting Maroons, 89-63, nitong Setyembre 29.

Sanib-pwersa sina Kouame na nagtala ng 19 points, 15 rebounds, pitong blocks, dalawang assists at si Matt Nieto na umiskor ng 18 points, limang rebounds, tatlong assists at isang steal.

“We don’t really pause to talk about what we’re proud of. We have a lot to work on,” wika ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

“Right now we have a lot of basketball ahead of us in a short period of time so we don’t have the luxury to take a breath and you know, talk about any accomplishments.”

Katulong rin sa panalo sina Will Navarro na umiskor ng 14 points, anim na rebounds, tig-isang assist, steal at block, Thirdy Ravena na may 13 points, tigatlong rebounds at assists at isang steal at si SJ Belangel na nagtala ng 11 points, tatlong assists at isang rebound.

Sa kabilang dako, hindi naman nakaporma ang Growling Tigers (4-3) kontra DLSU Green Archers, 77-92, noong Setyembre 28.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?