90
Lalaki inutas ng pinagbentahan ng XBox
Jul 30, 2019 @ 22:01
By

Bangag na pumatay sa pamangkin, nag-amok sa istasyon ng pulisya, todas

Nasawi ang lalaking pumatay sa kanyang 4-anyos na pamangkin matapos na magwala at magtangkang agawin ang baril ng isang pulis sa loob ng Manila Police District-Police Station 2 habang iniimbestigahan, Lunes ng gabi sa Moriones, Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang suspek na si Edmundo Perucho, 51-anyos, pedicab driver at taga Gate 10 Parola Compound,Tondo,Maynila dahil sa tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo.

Sa imbestigasyon ni PCpl Rodel Benitez ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-8:28 ng gabi sa loob ng MPD-Police Station 2 ,iniimbestigahan umano ang suspek dahil sa ginawang pagpatay sa biktimang si Larz Genesis Dela Cruz, 4 na binurdahan nito ng saksak dakong alas 1:15 ng hapon nang magpaalam itong iihi.

Sinamahan naman ito ni PSSG Alfred Luigi Tan, at pagdating sa comfort room ay tinanggalan ng posas, kaagad nitong inagaw ang baril ng pulis.

Nag-agawan umano ang dalawa sa baril habang nagsasalita ang suspek ng “Wala ng kwenta tong buhay ko,Damay damay na tayo”,hanggang sa pumutok ang baril at duguang bumagsak ang suspek.

Nabatid na pinagbalingan umano ng galit ng suspek ang paslit matapos nitong makipagsuntukan sa ama ng bata na si Gener habang nag-iinuman sila.

Naghihinala umano ang suspek na may kalaguyo ang kanyang asawa na kapatid ng ama ng bata at kinukunsinti ito ng mga kaanak ng kanyang misis.

Sa kuha ng CCTV camera sa lugar, lumilitaw na dakong 1:00 ng hapon ay makikita pa ang biktima na naglalaro sa kalsada sa labas lamang ng eskinita na papasok sa kanilang tahanan, ngunit pagsapit ng 1:12 ng hapon ay nakita umano itong pumasok na sa eskinita, matapos na tawagin ng suspek upang utusang bumili ng yelo sa tindahan.

Gayunman, sa halip na pabilhin ng yelo ay isinagawa na ng suspek ang pagpatay sa biktima.

Sinabi naman ng testigo na si Jennifer Matibag, dakong 1:40 ng hapon nang makita niyang nag-aamok ang suspek, at nagsisigaw habang palabas ng eskinita at sinasabing dapat na siyang patayin dahil pumatay siya ng bata.

“Patayin nyo na ako! Pumatay ako ng bata!” sigaw pa umano nito, habang iwinawasiwas ang dalang duguang kutsilyo, na may habang 15 pulgada.

Nisugod pa ng kanyang am ang bata sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?